Ginang lasog, 3 anak kritikal sa tricycle
January 8, 2006 | 12:00am
ZAMBALES Isang 33-anyos na ginang ang namatay at malubhang nasugatan ang tatlong anak nito matapos na mahagip ng isang rumaragasang tricycle habang naglalakad ang mga ito sa national highway ng Brgy. North Lucapon, Sta. Cruz, lungsod na ito kamakalawa ng umaga.
Sa ulat na ipinarating ni Sr. Supt. Edgardo Ladao, Zambales PNP director, kinilala ang ginang na si Nora Liezel Misa, may-asawa, na binawian ng buhay habang itinatakbo sa Candelaria District Hospital, Candelaria, Zambales.
Samantalang ang mga anak nito na sina Mary Grace Misa, 9; kakambal nitong si Gilbert at Patrick John, 1-taon at apat na buwang gulang, pawang taga South Lucapon, Sta. Cruz at kasalukuyang ginagamot sa nasabi ring ospital.
Nabatid na matiwasay na naglalakad ang mga biktima dakong alas-8:15 ng umaga sa gilid ng highway nang bigla silang banggain ng isang tricycle na may plakang AL9108 at body No. SC-0496, na minamaneho ng isang umanoy lasing na driver na si Manuelito Miel, residente ng Brgy. Lucapon, Sta. Cruz, Zambales.
Sa kasalukuyan ay nakakulong ang suspek na si Miel sa Sta.Cruz Municipal Jail, habang inihahanda naman ng mga kinauukulan ang kasong "reckless inmprudence resulting to homicide" at "multiple serious physical injuries, na isasampa laban sa suspek. (Fred Lovino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended