3 holdaper umatake: Lolo natangayan ng P1-M
January 8, 2006 | 12:00am
CAMP OLIVAS, Pampanga Aabot sa isang milyong piso ang natangay ng tatlong holdaper sa isang negosyanteng lolo matapos na makapag-withdraw sa bangko sa kasagsagan ng katanghalian habang sakay ito ng isang Mitsubishi adventure kasama ang kanyang bayaw sa kahabaan ng Mac-Arthur Highway, Brgy. San Jose, San Fernando, lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Lorenzo Sinamban, 66, ng Masaya St., Brgy. Del Pilar sa naturang lugar at bayaw nitong si Danilo Dizon na isa namang barangay kagawad ng Brgy. San Juan, Sta. Ana, nasabing ring probinsya.
Batay sa report, habang sakay ang dalawang biktima sa naturang sasakyan na may plakang XSS-784 nang tambangan ng tatlong di kilalang aramdong lalaki sakay ng isang motorsiklo na walang plaka.
Itinaon ng mga suspek ang matinding pagsisikip ng trapiko sa nasabing lugar at agad na dinikitan ng mga ito ang sasakyang ng mga biktima. Agad silang tinutukan ng baril at mabilis na kinuha ang dalang pera ni Sinamban.
May hinala ang pulisya na posibleng sa bangko pa lamang na pinagmulan ng biktima ay natunugan na sila ng mga suspek hanggang sa sila ay sundan at isagawa ang panghoholdap sa mga ito. (Resty Salvador)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended