Chinese trader laglag sa raid

CAMP CRAME – Isang Chinese trader ang bumagsak sa kamay ng awtoridad at nahulihan ng ipinagbabawal na shabu na nagkakahalaga ng P600,000 at armas sa isinagawang operasyon ng Naga City Police, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat ng PNP headquarters, ang suspek ay kinilalang si Robert C. Chui ng Jade St., Calauag, nasabing lungsod.

Sinasabing ni-raid ng mga pulis ang bahay ni Chui batay sa search warrant na ipinalabas ni Judge Pablo Paguero ng Naga City Regional Trial Court Branch 23.

Nakumpiska ng pulisya mula sa suspek ang 205 gramo ng shabu na may market value na nabanggit, P7,000 cash, isang .9mm pistol at isang magazine na may bala at holster belt.

Si Chui ay kasalukuyang nasa kustodya ng Naga CPS habang inihahanda ang kaso laban dito. (Angie dela Cruz)

Show comments