Obrero pinabulagta sa inuman
January 7, 2006 | 12:00am
BULACAN Binaril at napatay ang isang 23-anyos na construction worker ng kanyang kapitbahay makaraang hindi mangumbida sa inuman ng alak sa Barangay Malis sa bayan ng Guiguinto, Bulacan kamakalawa ng gabi. Nasapol sa dibdib ng bala ng sumpak ang biktimang si Jake Pascual, samantalang tugis ng pulisya ang suspek na si Dionisio "Danny" Bañares na kapwa residente ng barangay. Sa pagsisiyasat ni SPO4 Benny Hernandez, naitala ang krimen dakong alas-10 ng gabi matapos na magalit ang suspek sa pagbalewala sa kanya ng biktima sa inuman ng alak. Napag-alamang tiniyempuhan ng suspek na barilin ng sumpak ang biktima habang nakikipag-inuman ng alak sa kanyang mga kaibigan. (Efren Alcantara)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest