^

Probinsiya

Shootout: 4 kidnaper todas

- Joy Cantos -
CAMP CRAME – Apat na kalalakihan na pinaniniwalaang kasapi ng notoryus na Pentagon kidnap-for-ransom gang ang napaslang habang isa namang sundalo ang nasugatan makaraang makipagbarilan sa tropa ng militar sa hangganan ng Maguindanao at North Cotabato kamakalawa ng umaga.

Kasalukuyang inaalam ang pagkikilanlan ng mga napatay na kidnaper na pawang miyembro ng Pentagon KFR.

Nasugatan naman ang sundalong kasapi ng Army’s 66th Infantry Battalion na si Corporal Robin Arnulfo.

Base sa ulat ni Army’s 66th Infantry Division (ID) Commander Major Gen. Agustin Dema-ala, dakong alas-6 ng umaga nang makasagupa ng militar ang mga armadong grupo ng Pentagon KFR sa bahaging bulubunduking sakop ng Sultan Sabarongis sa Maguindanao at bayan ng Pikit sa North Cotabato.

Tumagal ng 30-minuto ang bakbakan bago tuluyang nagpulasan ang grupo ng Pentagon na pinamumunuan ni Mayangkang Saguile na bitbit ang mga sugatang kasamahan sa iba’t ibang direksyon.

May teorya ang mga opisyal ng 66th Infantry Battalion na ang grupo ng mga kidnaper ay magtutungo sa kapatagan para dumukot ng panibagong biktima nang makasalubong ang mga sundalo.

Narekober naman sa pinangyarihan ng shootout ang bangkay ng apat na napaslang na kidnaper, apat na malalakas na kalibre ng baril at iba’t ibang uri ng bala.

Nagpapatuloy naman ang pagtugis ng tropa ng militar laban sa nagsitakas na mga kidnaper.

AGUSTIN DEMA

COMMANDER MAJOR GEN

CORPORAL ROBIN ARNULFO

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

MAGUINDANAO

MAYANGKANG SAGUILE

NORTH COTABATO

SULTAN SABARONGIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with