Lethal injection kinatigan
January 6, 2006 | 12:00am
Pinaboran ng Court of Appeals (CA) na mabitay sa pamamagitan ng lethal injection ang isang akusadong napatunayang nagkasala ng kasong kidnapping -for-ransom (KFR).
Batay sa ipinalabas na desisyon ng CA 11th Division, ibinasura lamang ang apela ng akusadong si Judith Jatulan alyas Lito na nagsasaad na hindi napatunayan na wala itong pagkakasala.
Kinatigan ng CA ang hatol ni Judge Mauricio Rivera ng Antipolo Regional Trial Court (RTC) Branch 73 na nagpapataw ng parusang kamatayan laban kay Jatulan.
Sa rekord ng korte, noong Pebrero 13, 1995 sa Tenemil Subdivision , Antipolo, Rizal ay dinukot ng akusado ang 5 anyos na biktimang si Karwin Amado na hiningan nito ang pamilya ng P 250,000 ransom kapalit ng kalayaan ng biktima.
Samantalang inabsuwelto naman ng korte ang tatlong menor de edad na pawang elementary pupil na kinasabwat ng akusado ng tangayin ang bata. (Grace Amargo de la Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
14 hours ago
Recommended