Ito ang ibinulgar ng isa sa mga suspek na si Rudy Baclor matapos kapanayamin ng iharap ito sa media kasama ang iba pang suspek sa pagpaslang kay Gingoyon.
"Ang tawag nila dun sa mastermind ay alyas Eid , isa siyang Muslim, narinig kong pinag-uusapan ito nung plinano ang pagpatay kay Judge Gingoyon", pagkanta pa ni Baclor.
Tumanggi naman ang mga opisyal ng pulisya na tukuyin ang sinasabing utak ng krimen dahilan baka mabulilyaso ang kanilang dragnet operation.
Dahil dito , sinabi naman ni PNP Chief Director General Arturo Lomibao na itinuturing nilang malapit ng malutas ang krimen habang iniimbestigahan pa ang motibo ng krimen.
Maliban kay Baclor, kabilang pa sa mga suspek ay ang itinuturong gunman na si Rodolfo Cuer Jr., Danny Sulaiman alyas Sahid Adam Sulaiman, Efren Samonte, Mark Samonte alyas Mac Mac at Felimon Rabino.
Sinabi naman ni CALABARZON Police Director P/Chief Supt. Jesus Verzosa na inamin ni Cuer na tumanggap siya ng P150,000 mula kay Sulaiman upang patayin si Gingoyon. (Joy Cantos)