2 babae todas sa road mishap
January 2, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Kamatayan ang sumalubong sa dalawang babae habang anim pa ang nasugatan makaraang aksidenteng sumalpok ang sinasakyang pampasaherong bus ng mga biktima sa nakaparadang trak sa kahabaan ng Kennon Road sa bayan ng Tuba, Benguet kamakalawa.
Isa sa nasawing biktima ay nakilalang si Marcelina Tagaca, 65, samantalang bineberipika pa ang pagkikilanlan ng isa.
Ginagamot naman sa Baguio General Hospital and Medical Center ang mga sugatang biktima na sina Joyce Darines, 6; Judith Darines, 31; Victor Esteban, 20; Ronald Fernandez, drayber ng bus at isa pang di tinukoy ang pangalan.
Posibleng maputulan ng dalawang paa ang pahinante ng trak na nagpapalit ng gulong matapos na maipit sa naganap na sakuna, ayon kay Dr. Manuel Quirino ng nabanggit na ospital.
Base sa ulat, naitala ang sakuna bandang ala-una y medya ng hapon habang bumabagtas ang Amianan Bus Liner (ACM- 497) na may lulang 42-pasahero sa bulubunduking bahagi ng Camp 3 sa bayan ng Tuba patungong Baguio City mula sa bayan ng Rosario, La Union.
Ayon sa pagsisiyasat, tinangkang iwasan ng drayber na si Rolando Quitan ang nasiraang trak na may plakang XSE-578 na nakaparada sa kahabaan ng nabanggit na highway, subalit hindi na nito nakabig ang manibela at tuluy-tuloy na sumalpok sa trak. (Joy Cantos at Artemio Dumlao)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 10 hours ago
By Victor Martin | 10 hours ago
By Omar Padilla | 10 hours ago
Recommended