Drayber lasog sa tren
January 2, 2006 | 12:00am
LEGAZPI CITY Isang 43-anyos na drayber ang kumpirmadong nasawi makaraang mahagip ng tren sa bahagi ng Barangay 8 sa Lagazpi City kamakalawa ng gabi.
Hindi na umabot pa sa pagsalubong ng Bagong Taon ang biktimang si Roger Daen, may asawa, at residente ng nabanggit na barangay.
Nabatid na ang bahay ng biktima ay nasa gilid ng riles ng tren.
Base sa ulat na isinumite kay P/Supt. Narciso Guarin, hepe ng pulisya sa Legazpi City, Naitala ang insidente dakong alas-11:45 ng gabi bago sumapit ang pagsalubong sa Bagong Taon matapos na magising ang biktima sa kinatutulugang multicab (EBC-809) na nakaparada sa gitna ng riles.
Dahil sa malakas ang busina ng tren ay nagising ang biktima at nagmamadaling itinulak ang multicab papalayo ng riles, subalit nahagip din ng rumaragasang tren na minamaneho ni Dominador Llumin ng San Carlos City, Pangasinan.
Napag-alamang nalasog ang katawan ng biktima at maging ang nakaparadang dyip (CLL-584) ay nahagip din ng tren na patungong Maynila.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended