3 PNP, 2 AFP nagpatayan
December 30, 2005 | 12:00am
CAMP CRAME Tatlong pulis at dalawang sundalo ang kumpirmadong napaslang habang isa pa ang nasugatan makaraan ang isang misencounter sa loob ng isang pampasaherong bus sa national road sa hangganan ng bayan ng Tubod at Placer, Surigao del Norte, kahapon ng tanghali.
Sa phone interview, sinabi ni Chief Supt. Rene Elumbaring, regional director ng Police Regional Office (PRO) 13, bandang alas-12 ng tanghali nang magbarilan ang mga elemento ng pulisya at militar sa nasabing lugar.
Kinilala ni Elumbaring ang mga nasawing pulis na sina PO1s Joel Alfanta, Emmanuel Casino at Riol Bungalto na pawang kasapi ng Surigao del Norte Police Provincial Mobile Group (PMG).
Ayon naman kay Army Spokesman Major Bartolome Bacarro, ang dalawang nasawing sundalo ay pawang kasapi ng 20th Infantry Battalion (IB) ng Phil. Army na nakabase sa Samar at nagbabakasyon lamang sa nasabing lugar.
Kasalukuyan namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isa pang sugatang sundalo.
Pansamantala namang tumanggi ang opisyal na tukuyin ang mga pangalan ng nasawing sundalo dahil kailangan pang impormahan ang pamilya ng mga ito.
Ayon pa kay Elumbaring, na napagkamalan ng mga sundalo na mga rebelde ang naturang mga pulis dahilan kapwa ang mga ito sibilyan at armado ng armas.
Bigla na lamang nagkabunutan ng baril ang magkabilang grupo at nagbarilan sa loob ng nasabing pampasaherong bus na kanilang sinasakyan.
Sa matinding takot ay nagpulasan naman ang mga pasahero ng bus sa pangambang tamaan ng ligaw na bala. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended