Kasong estafa vs Legarda hiling ilipat
December 29, 2005 | 12:00am
Hiniling ng isang negosyanteng babae kay Justice Secretary Raul Gonzalez na mailipat ang preliminary investigation sa kasong estafa para matiyak ang hustisya laban sa kanyang dating abogadong si Katrina Legarda at kanyang mga magulang.
Sa kanyang liham kay Gonzalez noong Disyembre 21, 2005, sinabi ni Wesy B. Quisumbing na ang hangarin niyang mailipat ang preliminary investigation sa DoJ ay para maiwasan ang magiging desisyon sa kaso dahil lubhang maimpluwensiya ang kanyang mga magulang na sina Norberto at Britta Quisumbing sa Cebu.
Napag-alamang sina Norberto at Britta, ang may-ari ng mga kompanya sa Cebu na nasa ilalim ng Norkis at Summa Group of Companies.
Kasama sa kinasuhan si Atty. Iris Bonifacio at sister-in-law niyang si Elizabeth Quisumbing sa magkahiwalay na criminal cases na estafa and other deceits noong Dec. 3, sa Cebu City.
"Being a very able and effective secretary, I beg of you to address my concerns as I dont want that my cases would just go to the gutter not because of they are not meritorious but because of the undue influence and power which the respondents are exerting upon the Cebuanos," pakiusap ni Quisumbing sa kanyang liham kay Gonzalez.
Ang liham ni Quisumbing ay inayundahan ng isa pang letter of request ng kanyang abogadong si Paris G. Real na ipinadala kay Gonzalez noong Biyernes, Disyembre 23. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest