Mayor na utol ni Sen. Revilla, pumanaw
December 27, 2005 | 12:00am
SAN LEONARDO, Nueva Ecija Pumanaw na si San Leonardo Mayor Ramon Revilla Bautista na panganay sa mga anak ni ex-Senator Ramon Revilla Sr., habang ginagamot sa St. Lukes Hospital sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.
Bandang alas-9:20 ng gabi nang kalawitin ni kamatayan si Mayor Revilla matapos ang operasyon sa kidney na pinaniniwalaang nagkakomplikasyon sa sakit na diabetes.
Napag-alamang hindi mabilang ang nagawang accomplishments ng alkalde sa kanyang bayan kabilang na ang gusali ng bahay-pamahalaan at gusali ng Sangguniang Bayan sa tulong na rin ng mag-amang senador.
Nasa ikalawang termino na si Mayor Revilla nang ma-confine sa ospital sa Maynila dahil na rin sa sakit na ilang taon na rin niyang iniinda.
Ayon kay Vice Mayor Marvin Martin, kapartido sa Lakas ni Mayor Revilla na ipagpapatuloy nila sa Sangguniang Bayan ang hindi natapos na proyekto ng nasabing alkalde.
Nakahanda namang palitan ni Vice Mayor Martin ang yumaong alkalde at si first Councilor Ed Reyes ay magiging bise alkalde na kapwa nasa ilalim ng Lakas. (Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended