Ayon kay AFP-Southcom Chief Lt. Gen. Edilberto Adan, namataan ng kanilang mga asset si Janjalani habang gumagala sa nabanggit na mga lugar sa Western Mindanao.
Si Janjalani, may patong sa ulong P10-M at karagdagang $1-M naman na inilaan ng Estados Unidos ay nakatakas sa kordon ng militar sa Central Mindanao mahigit isang buwan na ang nakalilipas.
Gayunman, kasalukuyan namang inaalam ng militar kung saan na nagtatago ang dalawang Indonesian terrorist na sina Dulmatin at Omar Patek na kasama ni Janjalani sa Central Mindanao.
Sina Dulmatin, mastermind sa Bali bombing sa Indonesia noong Oktubre 2002 at tauhan nitong si Patek ay sinasabing siyang nagsasanay sa mga bandidong Abu Sayyaf sa terorismo partikular na ang pambobomba.
Kaugnay nito, tiwala naman si Adan na hindi na magtatagal ay babagsak na rin sa kamay ng batas ang nasabing Sayyaf leader. (Joy Cantos)