COP patay nang makasagasa ng paslit
December 25, 2005 | 12:00am
CAMP CRAME Patay ang isang hepe ng pulisya bunga ng tinamong matinding tama sa katawan matapos nitong masagasaan ang isang 12-anyos na batang lalaki na himalang nakaligtas kamakalawa sa Zamboanga Sibugay.
Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Western Mindanao Medical Center ang biktimang si Police Sr. Insp. Luciano Plarmo Ramos, 51, chief of police ng Zamboanga City Police Station 3.
Nakaratay din sa nasabing ospital ang batang si Stephen Marcos, grade 5 pupil ng Victoria Elementary School dahil sa mga sugat na tinamo sa katawan.
Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente bandang alas-12:30 ng tanghali sa Maria Clara Lobragat Hi-way, Brgy. Victoria ng nasabing lugar.
Nabatid na sakay ng Suzuki 150 motorcycle (9H-3318) ang pulis nang aksidenteng mahagip nito ang bata.
Gayunman, minalas ang pulis na magdiretso ang sinasakyang motorsiklo sa gilid ng kalsada hanggang sa magtamo ito ng mga sugat at bali sa dibdib at iba pang bahagi ng kanyang katawan. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest