Pulis bulagta sa NPA
December 24, 2005 | 12:00am
CAMP CRAME Isa na namang tauhan ng pulisya ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa bahagi ng Barangay Langcala 2nd, Candon City, Ilocos Sur kamakalawa.
Kinilala ang napaslang na biktimang si PO3 Eduardo Abad ng San Emilio Police Station ng Ilocos Sur Provincial Police Office (PPO).
Bandang alas-3:30 ng hapon habang namamasada ang biktima ng kaniyang traysikel na may plakang AT09774 sakay ang tatlong hindi pa nakikilalang kalalakihan.
Pagsapit sa bahagi ng nabanggit na barangay ay agad pinagbabaril ng mga nagpanggap na pasahero ang biktima na bagaman duguan ay nagawang makatakbo, ayon pa sa ulat.
Hindi nagawang makalayo ng biktima habang humahabol ang mga armadong kalalakihan at muling umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril para masiguro na patay na si PO3 Abad.
Napag-alamang namamasada ng traysikel ang biktima upang may pandagdag sa maliliit na kinikita ng pulisya sa nabanggit na lungsod.
Naniniwala ang mga awtoridad na ang naganap na pamamaslang sa biktima ay bahagi ng malawakang plano ng NPA na magtumba ng mga tauhan ng pulisya kaugnay ng pinatinding opensiba ngayong nalalapit na naman ang kanilang ika-37 taong anibersaryo sa Disyembre 26. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest