^

Probinsiya

Lolo nagbaril sa ulo, patay

-
CAVITE – Pinaniniwalaang hindi nakayanan ang dumapong dalawang karamdaman kaya nagdesisyong magbaril sa sarili at namatay ang isang 74-anyos na lolo sa harap mismo ng kanyang asawa sa Barangay Salitran 3 sa bayan ng Dasmariñas, Cavite kahapon ng madaling-araw.

Hawak pa ang baril na ginamit sa pagpapakamatay ng biktimang si Modesto Rosilio, dating kawal ng Phil. Constabulary at residente ng Blk 1 Lot 40 Abocado Street, Summerwind 2 sa nabanggit na barangay.

Ayon kay PO1 Antonio Gutierrez, naitala ang insidente ganap na alas-4:30 ng madaling-araw matapos na tawagin ng biktima ang sariling misis.

"Dear halika na rito at magpapaalam na ako," tugon ng biktima, kasabay na itinutok ang baril sa ulo at ipinutok.

Dahil sa naganap na biglaang pangyayari ay natulala ang sariling asawa hanggang sa isinugod sa pinakamalapit na ospital ang duguang biktima, subalit hindi na umabot pa ng buhay. Nag-iwan ng suicide note ang biktima at sinasabing hindi nito makayanan ang dalawang karamdamang nagpapahirap sa kanya. (Cristina Timbang)

vuukle comment

ABOCADO STREET

ANTONIO GUTIERREZ

AYON

BARANGAY SALITRAN

CAVITE

CRISTINA TIMBANG

DAHIL

DASMARI

HAWAK

MODESTO ROSILIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with