Mag-utol na minero kinatay
December 23, 2005 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Pinagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ang mag-utol na minero ng kanilang kainuman ng alak sa Barangay Puro sa bayan ng Aroroy, Masbate kamakalawa ng gabi.
Nagtamo ng maraming sugat ng patalim sa ibat ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang sina Jonel, 28, may asawa at Ronald Bangalisan, 24, binata, kapwa naninirahan sa Barangay Amurog ng bayang nabanggit.
Isa sa dalawang suspek na ngayon ay nakapiit sa himpilan ng pulisya ay nakilalang si Arnel Balaquit, samantalang tugis naman ang isa pang suspek na si Gerry Andaya, kapwa residente ng Sitio Sinawayan, Barangay Banga ng naturang bayan.
Napag-alamang magkakasamang nag-iinuman ng alak ang mag-utol at dalawang suspek nang magtalo sa partihang kinita sa pagbebenta ng ginto mula sa minahan.
Dahil sa pawang mga lango sa alak ay nagawang pagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ng mga suspek ang mag-utol.
Hindi naman nakalayo ang isa sa suspek at nasakote ng mga awtoridad habang ang isa pa ay nakatiyempong makapuga. (Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest