CAVITE Isang 23-anyos na lalaki na pinaniniwalaang nanuhog ng magpinsang babae ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng ama ng huli sa naganap na karahasan sa bahagi ng Barangay Gahak sa bayan ng Kawit, Cavite kamakalawa. Ang biktimang nagtamo ng maraming sugat sa katawan ay nakilalang si Romeo Valles, samantalang tugis ng pulisya ang suspek na si Meldito Mateo ng nabanggit na barangay. Sa ulat ni P/Insp. Hersan Mojica, napag-alamang nanirahan sa bahay ng suspek ang biktima, subalit lingid sa kaalaman ng matanda ay kapwa pinatos ang kanyang anak na babae at pinsan nito. Dahil sa matinding galit sa biktima ay nakiusap ang suspek sa kanyang dalawang kaibigan na paslangin ang lalaki para maipaghiganti ang nag-iisang anak.
(Cristina Timbang) Umakyat sa poste, nakuryente |
CAVITE Nagsa-spiderman ang isang 33-anyos na lalaking umakyat sa poste ng Meralco, subalit namatay makaraang makuryente dahil sa pagkakasabit ng paa sa talop na linya ng kuyente sa bahagi ng Barangay Molino 3 sa bayan ng Bacoor, Cavite kamakalawa ng umaga. Bandang alas-9 ng umaga nang mamataan ang nakasabit na bangkay ng biktimang Renato Inbento ng Sitio Malipay sa nabanggit na barangay. Ayon kay PO2 Ernesto Caparas, inaalam pa ng pulisya kung pagnanakaw ng kable ang motibo ng biktima kaya umakyat sa poste.
(Lolit Yamsuan) 37 inilikas mula sa landslide |
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Umaabot ng 37-katao ang inilikas ng mga awtoridad matapos gumuho ang mataas na bahagi ng bundok malapit sa bahay ng mga biktima kahapon ng madaling-araw sa Purok 2, Barangay Bayabas sa bayan ng Labo, Camarines Norte. Sa kasalukuyan ay dinala ng mga tauhan ng Barangay Disaster Coordinating Council ang mga biktima sa evacuation center at naghihintay na lamang na maalis ang gumuhong lupa sa kanilang kabahayan at pagtila ng malakas na ulan. Wala namang iniulat na nasawi o nasugatan sa naganap na landslide.
(Ed Casulla)