Negosyante pinatay sa gulpi ng mag-utol
December 21, 2005 | 12:00am
BULACAN Dahil sa gitgitan sa trapik ay pinagtulungang gulpihin hanggang sa mapatay ang isang 38-anyos na negosyante ng mag-utol na lalaki makaraang masagi ang sasakyan ng biktima sa kahabaan ng Cagayan Valley Road na sakop ng Sitio Hangga sa bayan ng Guiguinto, Bulacan kamakalawa ng hapon.
Sumabog ang bungo ng ulo dahil sa tipak ng bato na ipinukpok sa biktimang si Joel Bulaong ng Paseo del Kongreso Road sa Barangay Poblacion, Malolos City, Bulacan.
Kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng pulisya ang isa sa suspek na si Rafael Ramirez, 36, ng Rocka Village, Barangay Tabang sa bayan ng Plaridel, Bulacan.
Tugis naman ng pulisya ang isa pang suspek na si Rene Ramirez, 32, ng Amanda Subdivision sa Barangay Cruz na Daan, San Rafael, Bulacan at kapwa marino sa isang barko na pansamantalang hindi binanggit ang kompanya.
Ayon kay SPO4 Benny Hernandez, nagkagitgitan ang sasakyang Nissan Patrol (XPE-444) ng biktima at kulay asul na kotse (UDH-514) ng mag-utol na suspek sa nabanggit na barangay.
Dahil sa masikip ang trapik ay nagkasagian ang dalawang sasakyan at humantong sa mainitang pagtatalo ng biktima at mag-utol. Dito na uminit ang ulo ng mag-utol at pinagtulungang gulpihin ang biktima hanggang sa tuluyang masawi dahil sa ipinukpok na tipak ng bato sa ulo, dagdag pa sa ulat ng pulisya. (Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended