^

Probinsiya

Holdap: P3-M tangay sa drayber

-
LABO, Camarines Norte – Tinatayang aabot sa P3 milyon winidraw sa banko ng drayber ang natangay ng mga holdaper makaraang harangin ang minamanehong Elf pickup sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Iberica ang bayang nabanggit kamakalawa ng hapon. Hindi na makapalag pa ang dalawang biktimang sina Jearna Aleo at Marites Ortillo matapos harangin ng dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo (EM-8976). Sa isinagawang beripikasyon ng pulisya sa Land Transportation Office (LTO), napag-alamang naka-rehistro sa pangalan ni Rodel Pacao ang ginamit na motorsiklo ng mga holdaper. Ang suspek na si Pacao na may address sa Purok 1, Barangay San Isidro sa bayan ng San Lorenzo Ruiz ay may standing warrant of arrest, ayon sa pulisya. (Francis Elevado)
Pulis nilikida ng rebelde
CAMP CRAME – Binaril at napaslang ang isang tauhan ng pulisya ng nag-iisang rebeldeng Muslim sa naganap na karahasan sa bisinidad ng Sitio Nursery, Barangay Poblacion 2 sa bayan ng Parang, Maguindanao, ayon sa ulat kahapon. Napuruhan sa ulo ang biktimang si PO2 Arlan Manalo ng 2nd Company ng 15th Regional Mobile Group (RMG). Napag-alaman sa ulat na naglalakad ang biktima sa nabanggit na barangay nang lapitan ng rebelde na tinukoy sa alyas na Maker Songcaya at isinagawa ang krimen. Matapos isagawa ang pamamaslang sa biktima ay tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo. May posiblidad na inabangan ng suspek ang biktima na nag-iisang naglalakad. (Joy Cantos)

ARLAN MANALO

BARANGAY IBERICA

BARANGAY POBLACION

BARANGAY SAN ISIDRO

CAMARINES NORTE

FRANCIS ELEVADO

JEARNA ALEO

JOY CANTOS

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MAHARLIKA HIGHWAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with