Criminology student, 1 pa tiklo sa holdap
December 19, 2005 | 12:00am
DAET, CAMARINES NORTE Bagsak kalaboso ang dalawang kawatan kabilang ang isang 20 anyos na criminology student makaraang mangholdap kamakalawa ng madaling-araw sa Brgy. Borabod ng bayang ito.
Sa mabilis na pagresponde ng mga pulis sa pamumuno ni SPO3 Hermie Saludes, naaresto ang mga suspek na sina Jose Lauraya Jr, 20-anyos, criminology student ng Lourdes College at si Renier Rostol 21-anyos, anak ng pulis; pawang residente ng PNP Village ng Brgy. Dogongan sa loob mismo ng Camp Wenceslao Q. Vinzons Sr PNP Provincial Headquarters.
Batay sa reklamo ng pitong biktima, bandang alas-3:30 ng madaling-araw, unang biniktima ang apat na kabataan sa J. Lukban St., sa harap ng Mercury Drug habang ito ay naglalakad para magsimbang gabi samantalang ang 3 katao ay hinoldap naman sa harap ng Bimbo Abina Videoke House sa Brgy. Bagasbas gamit ang toy gun at kutsilyo.
Mabilis naman ang mga itong hinabol ng mga biktima at ng makita ng pulisya ang eksena ay tumulong na rin sa paghabol na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga ito.
Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga nasakoteng suspek. (Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended