Kapitan, kagawad inambus

Kapwa nasawi ang isang barangay chairman at kagawad nito samantalang isa pang konsehal ang sugatan makaraang tambangan at pagbabarilin ng dalawang ‘di kilalang lalaki sa Sitio Dalan, Brgy. Parian, Mexico, Pampanga kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Sr. Insp. Roger Tomen, hepe ng Mexico Police Station ang mga nasawi na sina Brgy. Capt. Victorina Gomez at kagawad na si Romeo Atienza, pawang nakatira sa Brgy. Parian.

Kasalukuyang ginagamot ang isa pang kagawad na si Reynaldo Macabali sa Jose V. Lingad Hospital sa San Fernando sa nasabing lalawigan matapos na mahagip ng bala.

Batay sa ulat ng pulisya, bandang alas-5 ng hapon matapos ang pulong sa barangay na pinangunahan ng mga tauhan at opisyal ng Philippine Army nang maganap ang ‘di inaasahang insidente. (Resty Salvador)

Show comments