2 dinedo dahil sa alak
December 17, 2005 | 12:00am
CAVITE Dalawang sibilyan ang iniulat na nasawi, habang isa naman ang nasa kritikal na kalagayan makaraang pagsasaksakin ng isang lalaki dahil sa alak na hindi nabayaran, kamakalawa ng gabi sa Barangay Sampaloc 4 sa bayan ng Dasmariñas, Cavite.
Kabilang sa napaslang na biktima ay sina Rufino Dela Pena, 48, ng Blk 25 Lot 28, Zone 12 ng nabanggit na barangay at Teofilo Manokay, 38, ng Blk 25 Lot 15 Zone 1 ng nasabi ding lugar.
Ginagamot naman sa ospital ang malubhang nasugatang si Renato Bernel, 26, ng Blk 27 Lot 9 Zone 12 ng nasabing bayan.
Kasalukuyang tugis ng pulisya ang suspek na nakilala lamang sa pangalang Benito na naging kainuman ng mga biktima.
Sa imbestigasyon ni PO1 Antonio Gutierrez, naitala ang krimen ganap na alas-10:00 ng gabi ng maganap ang insidente matapos na dumating ang suspek sa tindahan na kung saan nag-iinuman ng alak ang mga biktima.
Matapos na kumuha ng alak ang suspek sa tindahan ay sinabihan ang may-ari na ang magbabayad ay ang grupo ng mga biktima.
Agad na tumayo si Manokay at kinompronta ang suspek hanggang sa umawat ang dalawa pang biktima na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa maganap ang krimen. (Cristina Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended