^

Probinsiya

Mag-asawa napisak ng bato

-
CAMP CRAME — Hindi na umabot pa ng Kapaskuhan ang mag-asawa makaraang mapisak dahil sa gumuhong toneladang malaking tipak na bato sa tagiliran ng bundok na sakop ng Barangay Kal-anan, Tabogon, Northern Cebu kamakalawa.

Kinilala ang mag-asawang natodas na sina Democrito Pelayo, 58 at Angeles, 44, na kapwa nagkadurug-durog ang katawan sa bigat ng malaking tipak ng batong gumuho.

Ayon sa pulisya, abalang-abala ang mag-asawa sa pagtitibag sa batuhang bundok para kumuha ng limestone na ibinebenta ng mga ito sa halagang P5 kada sako sa kabayanan nang maganap ang trahedya.

Base pa sa ulat ni SPO3 Anecito Manloloyo ng Tabogon Police Station, bago maganap ang trahedya ay binalaan na ng kanilang mga kapitbahay ang mag-asawa na mag-ingat sa pagtitibag sa batuhang bundok dahil may bitak na ito at posibleng magdulot ng panganib.

Binalewala naman ng mag-asawa ang babala ng mga kapitbahay at nagpatuloy sa pagtitibag hanggang sa tuluyang sumalakay si kamatayan.

Napag-alamang may 11-anak ang mag-asawa na may edad na 2 hanggang 20-anyos.

Kaugnay nito, nagbigay na ng pinansiyal na tulong ang lokal na pamahalaan para maipalibing ang mag-asawa na ang pagtitibag ng bato ang pangunahing ikinabubuhay. (Joy Cantos)

ANECITO MANLOLOYO

ASAWA

AYON

BARANGAY KAL

BINALEWALA

DEMOCRITO PELAYO

JOY CANTOS

MAG

NORTHERN CEBU

TABOGON POLICE STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with