70-pulis kakasuhan
December 14, 2005 | 12:00am
PAMPANGA Nalalagay ngayon sa balag ng alanganing masibak sa puwesto ang 70 tauhan ng pulisya na pinaniniwalaang iligal na sumalakay sa convention center ng grupong "Ang Dating Daan" sa Barangay Sampaloc, Apalit, Pampanga makaraang sampahan ng kaukulang kaso sa korte. Maliban sa kasong illegal search at trespassing na isinampa ni Atty. Melanio "Batas" Mauricio na tumatayong tagapagsalita ng ADD, hiniling din kay PNP Chief Director General Arturo Lomibao na sibakin sa puwesto ang mga pulis na nakabase sa Regional Command 3 sa Central Luzon. Napag-alamang sinalakay ng pulisya ang nabanggit na lugar kahit walang search warrant mula sa korte. Nabatid na winasak ng pulisya ang ilang kagamitan partikular na ang linya ng telepono at TV camera matapos na hindi matagpuan ang hinahanap na si Bro. Abner Martisan. (Resty Salvador)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended