Kinilala ni Calabarzon PNP director Chief Supt. Jesus Versoza, ang naaresto na sina Edgardo Gravador, alyas "Egay", 26, mangingisda at ang ama nitong si Eduardo, 59, magsasaka ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, bandang alas-6:00 ng umaga nang arestuhin si Edgardo sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Josefina Siscar ng Biñan Municipal Trial Court na may petsang August 18, 2005.
Base sa rekord ng pulisya, pangunahing mga suspek ang mag-ama na pinaniniwalaang nasa ika-8 talaan ng pulisya bilang most wanted dahil sa pamamaril na naganap sa naturang lugar na nagresulta sa pagkamatay ng 4-katao.
Si Eduardo ay itinuturong bumaril at nakapatay kay Roberto Arcega, alyas "Bikol" at nasamsaman ng isang baril at mga bala na walang kaukulang dokumento, ayon sa pulisya.
Nabatid pa sa ulat ng pulisya, bago arestuhin ang mag-ama ay nagkabarilan pa ang panig ng pulisya at mga kapamilya ng mga suspek na mabilis namang nagsitakas sa baybaying bahagi ng Laguna Lake at wala namang naiulat na nasugatan sa insidente.
Pinapurihan naman ni Verzosa ang grupo ni P/Senior Supt. Amado Clifton Empiso ng Biñan PNP sa pagkakaaresto sa mag-amang suspek na kasalukuyang nakakulong sa Biñan Municipal Jail. (Arnell Ozaeta)