Ama kinatay ng adik na anak
December 13, 2005 | 12:00am
CAVITE Tatlong saksak ang tumapos sa buhay ng isang 68 anyos na ama mula sa kamay ng kanyang adik na anak matapos na maburyong ang huli ng sermunan ng matanda sa loob ng kanilang tahanan sa Gen. Mariano Alvarez ng lalawigang ito.
Sa ulat ni Chief Insp. Randulf Tuaño hepe dito kinilala ang biktima na si Leandro De Los Santos habang arestado naman ang suspek na si Ronaldo, 39 at isang vendor.
Batay sa imbestigasyon ni PO3 Celestino San Jose, may hawak ng kaso dakong alas-9:30 ng gabi ng maganap ang insidente habang nagpapahinga na ang matanda sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Saging, Brgy. de las Alas ng bayang nabanggit nang dumating ang suspek na kargado ng bawal na gamot.
Nabatid na nagalit ang suspek matapos itong sermunan ng ama sa ginagawa niyang pagkalango sa ipinagbabawal na gamot.
Sa halip na pakinggan ang pangangaral ng ama ay dinampot ng suspek ang isang cutter knife at ilang beses na inundayan ng saksak hanggang sa mapatay ang biktima.
Agad namang nasakote ang suspek ng rumespondeng mga operatiba ng pulisya.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong parricide sa pagpatay sa sarili nitong ama. (Cristina G. Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended