Holdaper ng P.6-M bonus ng mga guro, itinumba
December 11, 2005 | 12:00am
BAMBANG, Nueva Vizcaya Natagpuang patay ang pangunahing suspek sa panghoholdap ng P.6 milyong cash na nakatakdang ibigay na Christmas bonus sa mga guro sa pampublikong paaralan sa bayang ito, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.
Ayon kay SPO3 Dencio Ramillosa, imbestigador ng Bambang PNP, kinumpirma nitong patay na ang pangunahing suspek na si Romeo Manaligod, 30, matapos matagpuan ito na may mga tama ng baril sa katawan sa Rosales, Pangasinan.
Si Manaligod na tubong Baan, Aritao, Nueva Vizcaya at ilan pang hindi nakikilalang kasamahan nito ang itinuturong tumangay at nangholdap sa isang pampasaherong jeep na sinasakyan ni Consolascion Callang, district supervisor ng Bambang Elementary School at may hawak sa nasabing halaga noong Nobyembre 18.
Nagpanggap na pasahero ang grupo ni Manaligod bago nagdeklara ng holdap at mabilis na nilikom ang nasabing halaga kabilang na ang iba pang mga mamahaling gamit ng mga pasahero tulad ng cellphone at mga alahas.
Hindi naman inaasahang makilala siya ng isa sa mga pasahero kung kayat ipinagbigay-alam agad sa himpilan ng pulisya ang kanyang katauhan.
Sa talaan ng Bambang PNP, napag-alaman na dalawang beses na itong nakulong sa nasabing himpilan at kalalaya lamang noong buwan ng Oktubre mula naman sa Nueva Vizcaya Provincial Jail dahil sa mga kasong pagnanakaw.
Agad na nagtago ang nasabing grupo sa hindi malamang lugar hanggang sa mabalitaan na lamang na patay na ang itinuturong lider ng grupo.
Ayon sa teorya ng pulisya na malamang na onsehan sa partehan ang dahilan ng pamamaslang sa suspek. Ipinalalagay din na pinaslang siya ng kanyang kasamahan upang hindi sila ikanta dahil sa siya lamang ang nakilala sa grupo matapos siyang mamukhaan ng kanilang hinoldap. (Victor P. Martin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 17 hours ago
By Doris Franche-Borja | 17 hours ago
By Jorge Hallare | 17 hours ago
Recommended