^

Probinsiya

Pamilya minasaker

- Nina Francis Elevado at Ed Casulla -
CAMARINES SUR Mistulang kinatay na hayop ang isang dating barangay chairman at buong pamilya nito matapos silang pasukin sa loob ng kanilang tahanan at walang habas na pagtatagain ng mga ’di kikilalang suspek habang natutulog sa bayan ng Ocampo, lalawigang ito kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang mga biktima na sina Ciriaco Escolano, 60; asawang si Ester, 53; at nag-iisa nilang anak na si Liezel, 18, high school student, pawang mga residente ng Brgy. Cabariwan, ng nasabing bayan.

Ang mga biktima ay natagpuan ng mga awtoridad na tadtad ng tama ng taga sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan sanhi ng kanilang agarang kamatayan.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:30 ng madaling-araw habang ang pamilya Escolano ay mahimbing na natutulog sa loob ng kanilang bahay nang pasukin ng mga suspek na armado ng itak saka mabilis na inundayan ng taga ang mga ito.

Nabatid na huling nakitang buhay ang pamilya Escolano dakong alas-9 ng gabi kamakalawa habang sila ay magkakasamang nanonood ng telebisyon sa kanilang sala.

Hinihinala na pinasok ang mga biktima sa pagitan ng alas-11 hanggang ala-1 ng madaling-araw habang kasagsagan ng pagbuhos ng ulan dito.

Napag-alaman na maging ang mga kapitbahay ng mga biktima ay nakarinig pa ng ingay at mga daing mula sa loob ng tirahan ng pamilya Escolano subalit hindi naman nila ito pinansin.

Matapos ang ginawang pamamaslang, mabilis na tumakas ang mga suspek papalayo sa lugar patungo sa hindi pa mabatid na direksyon.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang insidente bagaman may teorya ang mga ito na maaaring awayan sa lupa ang motibo sa krimen.

Ang mga labi ng mga biktima ay dinala sa Municipal Health Center upang ipasailalim sa awtopsiya.

BATAY

BRGY

CABARIWAN

CIRIACO ESCOLANO

ESCOLANO

HINIHINALA

INIIMBESTIGAHAN

LIEZEL

MUNICIPAL HEALTH CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with