Pekeng NBI agent nalambat

Kalaboso ang kinahantugan ng isang lalaki na nagpakilalang NBI agent na pinaniniwalaang nangongotong makaraang isagawa ang operasyon sa bayan ng San Rafael, Bulacan kamakailan.

Pormal namang sinampahan ng kaukulang kaso ang suspek na si Conrado Feliciano Cruz ng Barangay Balite sa bayan ng Calumpit, Bulacan.

Ayon sa rekord ng National Bureau of Investigation (NBI), si Cruz ay lumapit sa biktimang si Nestor Vicho upang mag-alok ng kanyang serbisyo bilang NBI agent.

Ayon sa ulat, hinihingan ng suspek ang biktima ng P5,000 kapalit para madakip ang umatake sa kanyang ama

Nagpakita pa ng identification card at papeles ang suspek upang patunayan sa biktima na tunay siyang NBI agent kaya naman pinabalik ng biktima para kunin ang nabanggit na halaga.

Lingid sa kaalaman ng suspek ay humingi ng tulong ang biktima sa opisina ng NBI sa Bulacan at nang beripikahin ang katayuan ng suspek, lumalabas na pekeng NBI agent ito.

Agad namang nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng NBI hanggang sa madakip ang suspek. (Danilo Garcia)

Show comments