2 natodas sa lakas ng ulan
December 10, 2005 | 12:00am
CAMARINES NORTE Dalawang kalalakihan ang kumpirmadong nasawi makaraang malunod sa magkahiwalay na insidente dahil sa patuloy na buhos ng ulan kahapon ng umaga sa Camarines Norte. Ayon sa pulisya, unang natagpuan ang bangkay ni Eduardo Pacao na nakalutang sa karagatang sakop ng Barangay Manguisoc-Mercedes. Si Pacao ay nangingisda nang abutan ng malakas na ulan at malaking alon kaya lumubog ang bangkang sinasakyan. Natagpuan naman ang bangkay ni Gerry Santileses, 30, ng Purok 1, Barangay Camambugan na nakalutang sa Daet River sa Barangay Magang. Si Santileses na pinaniniwalaang senglot nang madulas at mahulog mula sa tulay habang naglalakad kahit na bumubuhos ang ulan. (Francis Elevado)
CAVITE Dalawang kalalakihan ang iniulat na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang lalaki habang ang mga biktima ay natutulog sa bahay sa Barangay Taywanak Ilaya sa bayan ng Alfonso, Cavite kamakalawa. Kabilang sa nasawing biktima ay nakilalang sina Boysie Fenonimo, 45 at Rafael Digma. Wala namang nakakilala sa mga suspek na agad tumakas matapos isagawa ang krimen dakong alas-8:20 ng gabi. Kasalukuyang nangangalap pa ng impormasyon ang pulisya para makilala ang mga killer. (Cristina Timbang)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended