Paslit todas sa sunog
December 10, 2005 | 12:00am
BATANGAS Maagang sinalubong ni kamatayan ang isang 8-anyos na lalaki makaraang makulong sa nasusunog na bahay sa Barangay Balayong sa bayan ng Bauan, Batangas noong Huwebes na gabi, Dis. 8.
Kinilala ni SFO Dennis Faltado, hepe ng Bauan Fire Department ang biktimang si Paulo Sanchez, grade III pupil at tubong Masbate.
Ayon kay Faltado, natagpuan ang bangkay ni Sanchez na nakabalot pa ng kumot sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.
"Mukhang nagtalukbong na lamang ng kumot ang bata noong wala na siyang labasan," dagdag pa ni Faltado.
Nagsimulang kumalat ang apoy ng sunog bandang alas-6:10 ng gabi at tumagal ng alas-7:30 ng gabi na umabot sa 2nd alarm.
Sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang apoy sa kusina ng isa sa dalawang bahay na pag-aari ng magkapatid na Lucita at Trinidad.
May posibilidad na naglalaro ang biktima sa ikalawang palapag ng kanilang bahay at hindi inalintana ang nagaganap na sunog hanggang sa mag-init ang kinalalagyan nito.
Kabilang sa rumespondeng pamatay-sunog ay mula sa Batangas City at mga karatig bayan para maapula ang nasabing sunog. (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended