Ayon kay Engr. Gerardo D. Marquez, Jr., chairman ng secretariat at exhibition committee, ang tema ng ICT Expo ay "e-Merging to Achieve IT Excellence in Ilocos" na sinuportahan ng PLDT at Smart Communications na nagpakilala rin ng mga makabagong software at hardware.
"Ang 3-araw na event ay magsisilbi rin na venue para pag-usapan ang trend at mga isyu para sa mga estudyante at professionals," dagdag pa ni Marquez, manager ng PLDT Ilocos Business Zone.
Gaganapin din ang regionwide-ICT quiz bee para sa mga elementarya at hayskul, kumpetisyon sa web page design, job fair at BizTours para maipakita ang "business-tourism potential" ng Ilocos region.
Inimbitahan ng mga Expo organizers ang malalaking eskuwelahan na nagbibigay ng ICT courses, LGUs, computer engineers, professionals at ang business sector para maging tagumpay ang ICT Expo.