^

Probinsiya

4 bayan, 1 lungsod sa Mindoro lumubog

-
BATANGAS – Lubog sa tubig-baha ang apat na bayan at isang lungsod sa lalawigan ng Oriental Mindoro makaraang rumagasa ang baha mula sa kabundukan at umapaw ang dalawang malaking ilog simula pa noong Martes ng tanghali, ayon sa ulat ng Office of the Civil Defense (OCD-MIMAROPA).

Ayon kay Mr. Edwin Mendoza ng OCD-MIMAROPA, kabilang sa mga lugar na lubog sa tubig-baha ay ang lungsod ng Calapan na may bilang na 48 barangay mula sa kabuuang 62 ang apektado; Victoria-13; Naujan-17; Pinamalayan-6 at hindi pa mabatid ang bilang ng mga barangay na lumubog sa bayan ng Socorro.

Dagdag pa ni Mendoza, na sa Calapan City at lubog na rin ang buong Provincial Capitol Complex, kaya kinansela na ang pasok sa mg apektadong lokal na pamahalaan, mga eskwelahan at inilikas ang 1,500 katao sa mga simbahan.

Nahihirapan ang mga rescue team na makakuha ng sapat na impormasyon dahil sa bumagsak na ang suplay ng kuryente at hindi na rin gumagana ang mga linya ng telepono. Tanging sa pamamagitan na lamang ng cellular phone nakakakuha ng impormasyon ang tanggapan ng OCD.

Bumigay na rin ang tatlong dike na nagpoprotekta sa mag-asawang Ilog at ang Bucayao Bridge sa bayan ng Socorro.Nagmumulang umagos ang malaking volume ng tubig sa Mt. Halcon dahil sa nakakalbong kabundukan.

Hindi na rin madaanan ng lahat ng uri ng sasakyan ang Strong Republic Nautical Highway na nagresulta sa pagkakaroon ng maraming pasahero na stranded sa mga pantalan ng Batangas at Calapan City.

Patuloy naman ang ginagawang paglilikas ng mga tauhan ng Philippine Army, Calapan City Public Safety Department, OCD at provincial government ng Oriental Mindoro sa libu-libong residente na apektado ng malaking pagbaha.

Sinabi naman ni Calapan City Mayor Carlos Brucal, na idineklara na niya ang state of calamity sa lungsod at inutusan na niya ang City Disaster Council na agad magpalabas ng pondo.

Lubhang kailangan ng mga apektadong residente ang mga pagkain, gamot at mga damit kaya umapela ito sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na tulungan.

Wala pa namang napapaulat na nawawala o kaya ay nasawi sa pagbaha sa Oriental Mindoro.

BUCAYAO BRIDGE

CALAPAN CITY

CALAPAN CITY MAYOR CARLOS BRUCAL

CALAPAN CITY PUBLIC SAFETY DEPARTMENT

CITY DISASTER COUNCIL

MR. EDWIN MENDOZA

MT. HALCON

OFFICE OF THE CIVIL DEFENSE

ORIENTAL MINDORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with