Ayon sa ulat ni Office of Civil Defense (OCD) Administrator ret. Major Gen. Glen Rabonza, kabilang sa mga naapektuhang lugar ay ang mga barangay 1, 4, 5, 6, 8, 9 , 10, Market View, Mayao Crossing, Ibabang Dupay, Gulang-Gulang, Cotta, Dalahican, Ibabang Iyam na pawang sakop ng Lucena City.
Napag-alaman na ang mg apektadong barangay ay pawang nasa baybay ng ilog na sakop ng Dumacaa at Iyam na huling dumanas ng delubyo matapos na hatawin ng bagyong "Rosing" noong 1995.
Ayon pa sa ulat, nagkaroon ng landslide sa bahagi ng Atimonan, Quezon, subalit wala namang apekto sa mga motorista.
Aabot sa 470 pamilya (2350-katao) ang inilikas sa Market View, 75-katao mula sa 15 pamilya sa Mayao Crossing, 500 residente sa Ibabang Dupay; 245 sa Ibabang Iyam 2500 sa Gulang-Gulang; 80 sa Barangay 1, 555 sa Barangay 5, 830 sa Barangay. 8, 750 sa Barangay 9 at 150 naman sa Barangay 10.
Ang mga naapektuhang pamilya ay kasalukuyang nasa mga evacuation center sa East 1 Barangay Health Center, Riverside Multi-Purpose Hall, North 1-III, Barangay Hall Lucena East IV at Multi-Purpose.
Idineklarang naman ng Sangguniang Panlungsod na state of calamity ang nabanggit na lungsod base sa resolusyong ipinasa ng Lucena City Council kahapon, habang nagpapatuloy ang pamamahagi ng relief goods sa mga apektadong pamilya.