Lider ng militanteng grupo, itinumba
December 6, 2005 | 12:00am
BATAAN Isa na naman lider ng militanteng grupo ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang kalalakihang sakay ng dalawang motorsiklo sa harapan ng Abucay Countryside Resort sa Barangay Gabon, Abucay, Bataan kahapon.
Apat na bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Cathy Alcantara, 43, St. Benedict Subdivision, Barangay Sta. Lucia sa bayan ng Samal, Bataan.
Si Alcantara ay Secretary General ng Kilusan para sa Pambansang Demokrasya (KPD) na isa sa grupong kaalyado ng Alyansa ng Mangingisda sa Bataan.
Sa imbestigasyong isinumite ni P/Senior Insp. Joel Tampis kay P/Supt. Arnold Gunacao, deputy provincial director for operation, nasa ikalawang araw nang pagpupulong ang grupong pinamumunuan ng biktima nang tawaging lumabas panandalian.
Paglabas ng biktima sa gate ng nabanggit na resort ay biglang lumapit ang dalawang motorsiklo na may magkaangkas at isinagawa ang pamamaslang.
Napag-alamang siniguro ng mga killer na patay na ang biktima bago pinaharurot ang dalawang motorsiklo.
Ayon sa rekord, ang biktima ay kilalang crusader laban sa kontruksyon ng Bataan Nuclear Power Plant sa bayan ng Morong, Bataan at malaki ang naitulong sa pag-oorganisa ng labor union sa Bataan Export Processing Zone.
Kasunod nito, mariing kinondena ng mga opisyal ng ibat ibang militanteng grupo sa pamumuno ni Millet Morante, ang pagkakapaslang sa kanilang lider sa Bataan.
Naniniwala si Morante na estilo ng military sa Central Luzon ang ginawang pagpatay sa biktima. (Jonie Capalaran at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Cristina Timbang | 16 hours ago
By Doris Franche-Borja | 16 hours ago
By Cristina Timbang | 16 hours ago
Recommended
November 4, 2024 - 12:00am
November 2, 2024 - 12:00am