2 hepe sinibak
December 5, 2005 | 12:00am
Camp Crame Dalawang hepe ng pulisya ang sinibak ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Arturo Lomibao dahilan sa mahinang pagpapatupad ng seguridad sa lugar na kanilang nasasakupan.
Kinilala ni PNP Spokesman Chief Supt. Leopoldo Bataoil ang mga sinibak na opisyal na sina Supt. Remegio Gregorio ng Boracay Police Station sa Malay, Aklan at Supt. Michael Mendoza Nicolas ng Manaoag Police Station.
Sinabi ni Bataoil na epektibo ngayong araw ng Lunes si Gregorio ay papalitan sa puwesto ni Chief Insp. Jesus Mendez habang si Nicolas ay si Chief Insp . Jerich Raydes naman ang hahalili rito.
Nabatid kay Bataoil na ang pagsibak sa dalawang hepe matapos hindi maibigan ni Lomibao ang ipinatutupad ng mga itong maluwag na seguridad sa kanilang mga hurisdiksyon.
"Chief PNP Director General Lomibao conducted suprise inspections in both stations and relieved their respective Chief of Police for not being able to meet Chief PNPs standard and performance", paliwanag pa ni Bataoil. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended