Halos magkagutay-gutay ang katawan ng bata na nakilalang si John Paul Rosello, ng Salandanan District, Poblacion Zone II, Sta. Cruz ng nasabing lugar dahil sa pagsabog ng granada.
Nakaratay naman sa Davao Medical Center ang mag-amang sina Arnold Rosello, 30 at Armilyn, 2-anyos bunga ng mga tinamong tama ng shrapnels ng sumabog sa granada sa katawan.
Sa ulat, bandang alas-6 ng gabi habang magkakasama ang mag-aama sa kanilang tahanan nang bigla na lamang hagisan ang kanilang bahay ng MK fragmentation grenade ng hindi kilalang mga suspek sakay ng isang motorsiklo.
Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang mabatid ang motibo sa krimen kasabay ng manhunt operation laban sa mga suspek. (Angie Dela Cruz)