^

Probinsiya

Pamilya grinanada: Paslit dedo

-
CAMP CRAME – Patay ang isang 7-anyos na batang lalaki habang malubhang nasugatan ang kanyang ama at kapatid makaraang hagisan ng granada ang kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Davao del Sur.

Halos magkagutay-gutay ang katawan ng bata na nakilalang si John Paul Rosello, ng Salandanan District, Poblacion Zone II, Sta. Cruz ng nasabing lugar dahil sa pagsabog ng granada.

Nakaratay naman sa Davao Medical Center ang mag-amang sina Arnold Rosello, 30 at Armilyn, 2-anyos bunga ng mga tinamong tama ng shrapnels ng sumabog sa granada sa katawan.

Sa ulat, bandang alas-6 ng gabi habang magkakasama ang mag-aama sa kanilang tahanan nang bigla na lamang hagisan ang kanilang bahay ng MK fragmentation grenade ng hindi kilalang mga suspek sakay ng isang motorsiklo.

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang mabatid ang motibo sa krimen kasabay ng manhunt operation laban sa mga suspek. (Angie Dela Cruz)

ANGIE DELA CRUZ

ARMILYN

ARNOLD ROSELLO

CRUZ

DAVAO

DAVAO MEDICAL CENTER

JOHN PAUL ROSELLO

NAGSASAGAWA

POBLACION ZONE

SALANDANAN DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with