Corporal dinedo sa traysikel

CAMP AGUINALDO — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang ang isang 28-anyos na sundalo ng Philippine Army ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang ang biktima ay sakay ng traysikel sa harapan ng pamilihang bayan ng San Miguel, Bulacan, kamakalawa.

Duguang bumulagta sa kinauupuang traysikel ang biktimang si Corporal Randy Banocan na nakatalaga sa AFP-Southern Luzon Command sa Gen. Nakar, Lucena City.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima ay patungo sana sa Camp Tecson sa Barangay Tartaro at habang nasa loob ng traysikel na naghihintay pa ng pasahero sa bahagi ng Barangay Camias nang biglang sumulpot ang tatlong armadong kalalakihan saka isinagawa ang krimen dakong alas-3 ng hapon.

Wala namang magawa ang mga nakasaksi sa krimen dahil sa takot na madamay. (Joy Cantos at Efren Alcantara)

Show comments