12-preso pumuga
December 3, 2005 | 12:00am
OLONGAPO CITY Labindalawang preso ang kumpirmadong nakapuga mula sa Olongapo City Jail makaraang samantalahin na natutulog ang mga guwardiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Barangay Barretto ng nabanggit na lungsod kahapon ng madaling-araw.
Tumanggi namang magbigay ng anumang detalye si Olongapo City BJMP Jail Warden P/Chief Insp. Ramon Valiente, subalit sa nakalap na impormasyon mula sa Maynila na may mabibigay na kasong kinakaharap ang mga puganteng nakilalang sina Rakwan Maki Ali, Ronald P. Aquino, Alvin G. Batua, Marion B. Bagting, Reneboy A. Dagamat, Allan B. Guanzon, Sonny E. Francisco, Abdul Rakman Madulara Barcenas, Delio N. Guinagin, Joseph C. Ramirez, Roderick del Carmen Tiu at Billy L. Udtuhan.
Napag-alaman na dakong alas-2:45 ng madaling-araw kahapon nang pagtulungang butasin ng mga pugante ang makapal na semento ng kanilang kulungan sa BJMP compound dahil pawang natutulog ang mga guwardiya.
Tinuligsa naman ng mga mamamahayag na nakabase sa Olongapo City ang ginawang pagtanggi ng pamunuan ng BJMP partikular si Valiente na magbigay ng impormasyon sa naganap na jailbreak sa kanyang balwarte.
Nalalagay naman sa balag ng alanganing masibak sa puwesto ang buong puwersa ng Olongapo City BJMP dahil sa naganap na jailbreak. (Jeff Tombado at Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest