3 grabe sa Davao blast
December 2, 2005 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Tatlong manggagawa ang nasa kritikal na kalagayan makaraang sumabog ang dressing plant ng Purefoods Corporation sa Tugbok District , Davao City, ayon sa ulat kahapon.
Kasalukuyang inoobserbahan sa ospital ang mga biktimang sina Arnulfo Sayo-ang, Rey Adiaon at Ronal Jabonero, matapos na magtamo ng malubhang paso sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang pagsabog sa loob ng compound ng nasabing kumpanya sa KM 20, Los Amigos, Tugbok District ng nabanggit na lungsod bandang alas-5 ng umaga.
Ayon sa ulat ng pulisya, sumabog ang steam boiler matapos mag-overheat na kinaroroonan ng mga biktima.
Agad naman nasaklolohan ang mga biktima ng ilang kasamahan at naisugod sa pinakamalapit na ospital.
Samantala, aabot naman sa P 1.5 milyong ari-arian ng nabanggit na kompanya ang napinsala ng insidente.
Patuloy namang sinisiyasat ng mga beteranong imbestigador ng pulisya ang naganap na pagsabog upang matukoy ang tunay na pinagmulan ng insidente. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
18 hours ago
Recommended