Kotse vs van: 2 patay
December 1, 2005 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Dalawang sibilyan kabilang na ang santaong gulang na batang babae ang kumpirmadong nasawi, habang siyam naman ang malubhang nasugatan makaraang sumalpok ang kotse sa isang van sa kahabaan ng Sta. Rosa-Tagaytay Road, Barangay Puting Kahoy sa bayan ng Silang, Cavite kamakalawa ng tanghali.
Kinilala ni P/Senior Supt. Benjardi Mantele, provincial director, ang mga biktimang nasawi na sina Niña Rizen Medina, 1 at Marcelino Esguerra, 34, drayber ng Nissan Sentra (DFH-819) habang kritikal naman ang kasamahan na sina Nelia Yabut, Margie Esguerra, Joy Medina, Sunshine Esguerra, at Norman Felipe na pawang residente ng Muntinlupa City.
Sugatan din ang drayber ng van (SFB-910) na si Victor Mejia at mga pasaherong sina Elizabeth Riego De Dios, Rebecca Castro, Cecilia Capagcuan na pawang empleyado ng Silang Health Center.
Ayon sa ulat, bandang ala-1:45 ng tanghali habang binabagtas ng sasakyan na minamaneho ni Marcelino Esguerra ang makurbang bahagi ng highway patungo sa direksyon ng hilaga nang mapadako ito sa kabilang linya at sa hindi inaasahang pagkakataon ay aksidenteng sumalpok sa kasalubong na van.
Nabatid pa sa imbestigasyon na bago mangyari ang aksidente may nasabitan nang sasakyan si Esguerra sa Tagaytay City pa lamang na tinangkang takasan ni Marcelino kaya napabilis ang pagmamaneho nito na nagresulta sa mas malaki pang aksidente. (Cristina Timbang at Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Cristina Timbang | 20 hours ago
By Doris Franche-Borja | 20 hours ago
By Cristina Timbang | 20 hours ago
Recommended