Kotongan sa SBMA lantaran
November 29, 2005 | 12:00am
SUBIC BAY FREEPORT Talamak na ang kotongan sa loob ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) partikular sa hanay ng mga security police officers ng Law Enforcement Department (LED) na karamihan sa mga binibiktima ay pawang mga turista.
Ito ang napag-alaman ng PSN matapos makakalap ng impormasyon sa sunud-sunod na reklamong tinatanggap ng Public Relations Office (PRO) ng SBMA dahil sa lantarang pangongotong ng mga pulis-SBMA sa mga motoristang may first traffic violations.
Isa na rito ang isang pamilya na tumangging ihayag ang kanilang pangalan na taga-Maynila, na nagreklamo sa mga empleyado ng PRO at sa PSN sa pangingikil sa kanila ng isang nagngangalang officer Rivera ng LED sa may Cubi-intersection ng Freeport.
Ayon sa kanilang reklamo, hinihingan sila ng P500 ni Rivera dahil sa paglabag sa trapiko sa unang pagkakataon pa lamang ng mga ito ng hindi sinasadyang dumako sa maling daanan ng intersection.
Dito sila pinahinto ng naturang pulis-SBMA at kaagad naglabas ng ticket booklet, subalit bago pirmahan nito ay agad na nagsabing siya na ang magbabayad sa treasury upang hindi na sila maabala sa kanilang pupuntahan.
Maliban pa sa kanila ay may mga serye na ng reklamo ang naipaparating sa nasabing tanggapan ng PRO mula sa mga motoristang biktima ng pangongotong ng LED officers kahit sa unang paglabag pa lamang sa batas trapiko sa SBMA.
Kalimitan sa mga reklamo ng mga ito ay ang madalas na pagsasabi sa kanila ng ilang mga pulis-SBMA na hindi pa sila nanananghalian kahit wala silang nilabag na batas trapiko ay pinahihinto ang mga ito.
Ang lantarang pangongotong ng mga pulis-SBMA sa mga bumibisitang motorista sa Subic Freeport kahit na walang nilabag na trapiko ay lumaganap simula nang maupo sina Anti-Smuggling Task Force chief at Sr. Deputy Administrator ret. Gen. Jose Calimlim at LED Manager Col. Jaime Calunsag. (Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest