Abogado kritikal sa ambush
November 28, 2005 | 12:00am
Camp Crame Nasa bingit ngayon ng kamatayan ang isang abogado makaraang paulanan ng bala ng dalawang hindi pa nakilalang mga armadong lalaki na hinihinalang hired killers sa naganap na pananambang sa Lapu-Lapu City, Cebu, ayon sa ulat kahapon.
Kasalukuyan ngayong inoobserbahan sa Intensive Care Unit (ICU) ng Mactan Doctors Hospital sa tinamong mga tama ng bala sa kaliwang dibdib ang biktimang kinilalang si Atty. James Joseph Gunapa, 59 anyos at residente ng Pacific Villa Subdivision ng nabanggit na lungsod.
Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 7, naitala ang pananambang sa biktima dakong alas-6:30 ng gabi sa kahabaan ng Maxamo Avenue sa panulukan ng Aviation Road, Brgy. Basak, Lapu-Lapu City.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ang biktima ay kasalukuyang lulan ng kaniyang Toyota Prado na may plakang GRY-703 galing Cebu City at kasalukuyang pauwi na sa kanilang tahanan nang tambangan ng dalawang di pa nakilalang armadong salarin na lulan ng motorsiklo.
Nabatid na pinaputukan ng sunud-sunod ng mga salarin ang behikulong sinasakyan ng biktima at nahinto lamang ang mga ito ng biglang dumating ang mobile patrol car No. 11 ng Lapu-Lapu City Police Station.
Ang mga suspek ay mabilis na tumakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon at narekober naman sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala ng cal 9mm. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended