Niyanig ng malakas na lindol ang buong lalawigan ng Bukidnon kahapon ng madaling-araw. Sa pahayag ni Prudencio Belo, seismologist ng Phivols, nagkiskisan ang mga tectonic plates sa ilalim ng lupa kaya lumikha ng 4.4 magnitude sa richter scale na unang naramdaman sa Malaybalay City. Sinabi pa ni Belo na niyanig din ng lindol ang Cagayan de Oro City na umabot sa lakas na 3 magnitude at 2 naman sa Quidapawan City. Wala namang iniulat na nawasak na ari-arian at naapektuhang gusali sa mga nabanggit na lalawigan.
(Angie dela Cruz) CAMP AGUINALDO Isang mister ang kumpirmadong nasawi makaraang masabugan ng granada na pinaniniwalaang kanyang ipinagyabang sa mga kapitbahay sa Barangay Hacienda sa bayan ng Bugallon, Pangasinan kamakalawa. Halos malasog ang katawan ng biktimang Sonny Cantor matapos na mahulog at sumabog ang granada na inilagay sa bulsa ng pantaloon. Napag-alamang nakatayo ang biktima sa harap ng kanyang bahay hawak ang granada. Ayon pa sa ulat ng pulisya, nagyabang na inalis ang safety pin ng granada ng biktima bago inilagay sa bulsa ng kanyang pantalon. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang sumabog ang granada habang naglalakad ang biktima.
(Joy Cantos) Magsasaka dinukot, pinatay ng NPA |
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Isang 54-anyos na magsasaka ang napaulat na dinukot at pinatay ng mga rebeldeng New Peoples Army na nakitulog at nakikain sa bahay ng biktima sa Sitio Palanog, Barangay Gapo sa bayan ng Daraga, Albay kamakalawa ng umaga. Natagpuan sa madamong bahagi na malapit sa kanilang bahay ang bangkay ng biktimang si Leonardo Madriaga. Hindi naman nabatid ang motibo kung bakit dinukot ang biktima ng mga rebelde na pinamumunuan ng isang Jerry Abacher, alyas "Ka Josam". Ayon sa naulila sa pamilya Madriaga, hindi nila akalaing magagawa ng mga rebelde ang insidente dahil sa ipinakitang kabutihan ay nagawa pang patayin ang biktima.
(Ed Casulla)