Killer ng lady exec., nadakma
November 26, 2005 | 12:00am
CAVITE Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng pulisya ang pangunahing suspek sa pagpatay sa isang 32-anyos na lady executive ng Globe Telecommunications, Inc. sa Town and Country West Subdivision sa Barangay Molino 3 sa bayan ng Bacoor, Cavite makaraang kilalanin ng dalawang testigo kahapon.
Kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Bacoor at pormal na sinampahan ng kaukulang kaso ang suspek na si Lucita De La Cruz , 37, may-asawa at residente ng Block 22 Lot 7 Adelfa St. Gardenia Valley Subdivision (GSIS Townhomes), Barangay Molino 3 ng bayang nabanggit.
Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya, dalawang testigo ang positibong itinuro ang suspek na si De La Cruz na pumaslang kay Angela S. Macarayo sa loob ng bahay ng biktima sa nabanggit na lugar.
Sa pahayag ng isang traysikel drayber na si Roderick Asirot, sumakay sa kanyang pinapasadang traysikel ang suspek malapit sa bahay ng biktima ng nasabing araw matapos maganap ang krimen.
Napag-alamang namataan din ni Delia Palermo, isa sa mga testigo na nagmamadali at humahangos na dumaan sa tapat ng kanyang tindahan ang suspek bago sumakay ng traysikel.
Kahit walang warrant of arrest na inisyu ang korte ay dinakip ng pulisya ang suspek sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Matatandaang binigti ang biktima sa loob ng sariling bahay sa nabanggit na subdivision na pinaniniwalaang may kaugnayan sa malaking halaga na hinihiram ng suspek. (Cristina Timbang at Lolit Yamsuan)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am