2 natusta sa Caltex blast
November 25, 2005 | 12:00am
CASTILLEJOS, Zambales Dalawang sibilyan ang kumpirmadong natusta makaraang sumabog ang isang gasolinahan dahil sa paglalaro ng lighter ng limang kabataang lalaki sa Barangay San Juan, Castillejos, Zambales, kamakalawa ng gabi.
Halos matusta ang buong katawan ng mga biktimang sina Gener Ynez, isang gasoline boy, residente ng Barangay Nagbunga, Castillejos at Isabelita Ferrera ng Barangay Burgos, San Antonio, Zambales at tumatayong kahera ng Caltex Gasoline station sa nasabing barangay.
Kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng pulisya ang apat sa limang tinedyer na nagkabiruan sa naganap na insidente ng pagsabog na kinilalang sina Edu Gonzales, 18; Henson Castro, 20; Gil Dunaal, 20; at Rommel Rances, 18, ng nabanggit na bayan.
Tugis naman ng pulisya ang isa pang suspek na si Benedict Manzano, 18, na pinaniniwalaang may hawak na lighter na siyang nagbiro kaya nagliyab ang nabanggit na gasolinahan.
Lumalabas sa magkasamang ulat ng Castillejos-PNP at Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-7 ng gabi nang maganap ang biglaang pagsabog ng Caltex Gasoline Station sa kahabaan ng national highway ng nasabing lugar.
Sinasabi sa ulat na binibiro umanong sindihan ng lighter ng suspek na si Manzano sa harapan ng apat na binatilyo ang isang batya na puno ng gasolina na nasa gas station, subalit sa hindi inaasahan ay biglang nag-spark ang bato na hawak nitong lighter at kaagad na nagliyab ang gasolina.
Pilit na pinagtulungan na buhatin ng apat na kabataan ang batyang nagliliyab upang ilayo sa gasolinahan, subalit huli na ang lahat dahil kumalat na ang apoy sa "dispenser pump" kung kayat biglang sumabog ang nasabing gas station.
Hindi na umano nagawang makalabas ng cashier booth ang kahera at ang gasoline boy dahil sa biglang nilamon ng apoy ang buong katawan.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang tunay na pangyayari at inaalam pa kung sinadya ang pagpapasabog sa P10-milyong ari-arian ng gas station.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended