Bultong pampasabog nasamsam
November 24, 2005 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Bultu-bultong sangkap ng pampasabog ang nakumpiska ng mga operatiba ng Phil. Marines at pulisya sa isinagawang raid sa bahay ng mag-asawang negosyante sa bayan ng Bataraza, Palawan, ayon sa ulat kahapon.
Sa ulat, bandang alas- 6:30 ng umaga nang salakayin ng mga tauhan ng Palawan Provincial Police Office at Marine Battalion Landing Team (MBLT) 10 ang tahanan ng mag-asawang Hadjo Abdul Hakim, alyas Hadji Kalam at Nopida Jimlano sa Sitio Tagdalungon, Barangay Rio Tuba, Bataraza ng lalawigang nabanggit.
Napag-alamang may sanlinggong isinailalim sa surveillance operations ang mag-asawa hanggang sa maging positibo ang pakay ng mga awtoridad kaya kumuha ng search warrant sa sala ni Judge Nelia Yap Fernandez ng Palawan Regional Trial Court, Branch 10 para salakayin ang nabanggit na lugar.
Nakumpiska sa loob ng bahay ng mag-asawa, ang 11 sako ng ammonium nitrate, dalawang plastic na puno rin ng ammonium nitrate, 31 rolyo ng time fuse, pitong kahon ng blasting caps, isang baril na cal. 22 na kargado ng bala.
Hindi na nakapalag pa ang mag-asawang suspek matapos na posasan ng mga awtoridad.
Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong illegal possession of firearms, explosives and ammunitions. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest