Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal ang mga suspek na sina Edgar Bohol, 38, ng Barangay Javalera, General Trias, Cavite; Narciso Bayas, 46, ex-barangay councilor ng San Jose, Tagaytay City; at Ronald Romen, 32, ng Barangay Kaytambog, Indang, Cavite habang tugis naman ang kasamahang si Phillip Mojica.
Kinilala naman ng pulisya ang hinoldap na may-ari ng Maranan Trading na sina Efren Maranan, 45, at asawa nitong si Evelyn Maranan, 44, na kapwa naninirahan sa #369 Barangay Lalaan. Silang, Cavite.
Sa imbestigasyon ni SPO4 Samuel Baybay, naitala ang insidente ganap na alas-3 ng hapon matapos na pasukin ng mga suspek ang tindahan ng mag-asawang trader, subalit, bago pa matangay ang mga celfon ay nakahingi na ng tulong si Efren sa nagpapatrulyang pulis na sina SPO2 Ferdinand Bayot at SPO1 Reyo Ambion na agad na rumesponde.
Narekober sa mga suspek ang dalawang baril, 2 celfon, 3 jacket; 1 bonnet; bull cap at ang owner-type jeep (CMH-693) na ginagamit ng mga suspek
Positibo ring itinuro ang mga suspek na nanloob sa bahay ni Tadao Kuwabara sa #2445 Binarao St, Barangay Maitim 2nd,Tagaytay City noong October 29. Pormal na sinampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek habang nakapiit sa himpilan ng pulisya sa Tagaytay City. (Cristina timbang)